Bakit Ako Single?

So what really goes into the mind of a woman kapag tinanong mo sya kung bakit pa s’ya single? Ano nga ba ang nararamdaman nila deep inside?

Baby Turon says:

Disclaimer: Madrama ito kasi ginawa ko ito ng malapit na ako dalawin ng red tide.

giphy-3

Whenever I hear this being asked by some mahaderang bruha or by that pakialamerang tita, I really cringe.

Minsan iniisip ko sagutin ng pabalang ang lahat ng magtatanong nito sakin. For example:

Tita: Oh bakit ka single?

Me: Oh Tita bakit buhay ka pa?

Pero minsan iniisip ko, insensitive lang ba talaga ang mga taong nagtatanong ng ganito?

Tingin n’yo ba gusto namin na sa bahay lang pag-Valentines Day habang lahat kayo may ka-date? Na ginusto namin na malamig ang Pasko? Na ginusto namin na walang nag-aalaga samin kapag may sakit?

Sometimes kinukumbinsi ko sarili ko na sinumpa ako. Sa father side ko kasi lahat ng kapatid nya palaging may anak na matandang dalaga o binata. So sabi ko baka ako ang napili sa pamilya namin na gawing alay sa mga anito.

Tuwing nababasa ko yung tungkol sa soulmate, iniisip ko na  meron din siguro akong soulmate. Kaso itong soulmate ko nasagasaan ng jeep kaya di na kami nagkita. Therefore, I am destined to be alone forever.

Minsan naman kapag naliligo ako, nag-iisip ako ng witty response kapag may nagtanong ulit. Ilang beses ko na ni-revise ang linya na sasabihin ko pero tuwing may magtatanong sakin ang sagot ko lang ay, “Wala talaga eh”.

karen-meangirls

Bakit nga ba?

Iniisip ko, di naman ako ganun kapangit. Tae yan! Si Mahal nga merong jowa, tapos ako wala?! Tinadhana ba talaga akong mag-isa? May sumpa nga ba talaga sa pamilya namin? Mabait naman ako ah. Minsan iniisip ko din, di kaya masyadong malakas ang personality ko? Nabasa ko kasi sa isang libro na ma-pride ang mga lalaki at nasasaktan daw ang ego ng mga lalaki kapag nakikita nilang kaya ng babae ang mabuhay kahit wala sila. Pero di ba nila naiisip na napapagod din kami?

Nakakapagod din kaya na magtapang-tapangan kasi alam mo naman na wala kang ibang taong maaasahan. Ang magpanggap na masaya kami na manood ng sine mag-isa, kumain ng mag-isa, at umiyak ng mag-isa. Nakakapagod na magkunwari na di mo napapansin na tumatanda kang mag-isa at hindi ka nag-aalala na lahat ng tao sa paligid mo may asawa at anak na. At balang araw iiwan ka din ng mga kapatid o pamangkin mo kahit gaano mo man sila minahal at inalagaan. Nakakapagod.

Sometimes you wish that there would be at least one person to hold your hand when you’re about to give up. Kahit isang tao lang na aakbay sayo at magpaparamdam na di ka mag-isa. Magpaparamdam na di mo dapat magpanggap na kaya mo lahat. Kahit isa lang. Kahit isa lang talaga.

Wala eh.

Pero bakit nga ba ako single? Dahil kaya ko, kinakaya ko, at kakayanin ko.

giphy-3

————————————————————————–

Pattybumbong says:

Meron naman akong justifiable na dahilan eh. Ayoko lang makipagdiskusyon sa mga pakielamero’t pakielamerang akala mo alam nila lahat! (G na G, bes? 😂)

So here goes…
Number 1 reason: Single ako kasi tanga ako magmahal. I had an almost relationship back in college and well, what do you expect on ‘Almost’? Marami akong ginawang scenario sa utak ko about us kahit na wala namang ‘us’. Umasa akong hindi lang niya tutuparin lahat ng idea ko about love, hihigitan pa niya. Matagal bago ko nakumbinsi ang sarili ko na hindi talaga niya ako gusto. Mga 4 na semester at 5 taon din inabot yun. Can anyone be more tanga than that? #NeverAgain

37122476

Number 2 reason: I’m the breadwinner of the family. Ever since I started working, wala akong ibang priority kundi bigyan ng magandang buhay ang nanay ko at nag-iisa kong kapatid. Walang ibang pinaglaanan ang sweldo ko kundi ang grocery, kitchenware na gusto ng nanay ko, iba’t ibang uri ng ballpen, lapis, papel at ruler ng isang Architecture student. For the longest time, iyan lang ang nasa isip ko. Alam ko ang gusto at kailangan ng pamilya pero hindi ng sarili ko. Don’t get me wrong, I never regretted doing this for them. My only regret was, I forgot ‘me’.

Bilang tanga ako magmahal at malaki ang responsibilidad ko sa pamilya, being in a relationship was a risk I cannot afford to take.

Nang dumating naman ang panahon na puede ko ng isipin ang sarili ko at may natitira ng kaunting extra sa sweldo ko on top of my pamasahe and food allowance, medyo naging selfish naman ako. Narealize ko na marami pa akong gustong gawin. Marami pa akong pangarap na gustong abutin. #PangarapNaBituin

Ngayon, medyo nakakaLL (luwag luwag) na ang buhay at kahit paano nagka direction na ang career ko, wala naman dumadating. Wala akong poging nasasalubong asking for directions .

giphy (1).gif
Enter a caption

..”Miss nawawala kasi ako eh. Can you show me how to get to your heart?”

Walang kababatang uuwi ng Pinas kasi na realize niyang in love pala siya sa kalaro niyang yagit. Walang high school ka love team na gustong totohanin ang relasyon. Hanggang showbiz lang talaga. Walang guy bestfriend na gusto kong syotain (Ikaw kasi shinota mo ang bestfriend mo!).

Wala pa… ☺️

They say that our idea of heaven is as big as the tip of an iceberg. The biggest part of the iceberg is the heaven that God created for us. Needless to say, it is beyond our imagination.

What if the love we imagine for ourselves is just as big as the tip of an iceberg? And the biggest part of it is the love that is truly destined for us.

giphy (2).gif

————————————————————————–

Ms. Bibingkineetan says:

So eto na nga.. Madaming nagtatanong, nag.aassume, madaming mag.chichismis.. bakit nga ba daw ako single? Bakit daw ilang taon na ang nakalipas ay wala na ulit akong pinakilala sa bahay. Or kahit manliligaw man lang. Nauunahan na daw ako ng mga mas bata kong pinsan, ng mga kapitbahay na kaidaran at mga dati kong kaklaseng laging sinasamahan.

So bakit nga ba?

screenshot_2017-01-17-21-13-29-1

Kung si Liz Uy nga hindi alam kung bakit siya single, ako pa kaya? I really don’t know too!

Bakit ba sila nangengeelam? Sila ba ang makikisama sa magiging boyfriend ko? Sila ba ang gagastos sa magiging kasal ko? Sila ba ang makikisama sa mga masusungit kong byenan? At sila ba ang magpapakain at magpapa-aral sa magiging  anak ko?

(Hindi ako galit mga bes, nagpapaliwanag lang.. hehehe)

Seriously, I can’t find anything wrong sa pagiging single. I believe that the people around me is just exaggerating things.

Kesyo konti nalang daw mawawala na ko sa kalendaryo, Hello? may Bingo pa kaya!

Kesyo mahihirapan daw ako manganak, marunong pa sila sa matris ko!?

Kesyo lahat daw ng kasabayan ko eh nag-aasawa na, Edi mag-asawa sila!

As long as I know that I am happy, contented, and enjoying my life… I’m fine.

I believe that the Lord is preparing “The One” for me. Baka tinuturuan pa siya ng Lord ng pagtitimpi sa mga babaeng tulad ko. Charot!

screen-shot-2016-02-13-at-9-13-30-pm1

I’m single because I do not want to rush anything in my life.. lalo na yang bagay na yan. Mahirap magkamali… masakit… masalimuot… nakakadala. Kaya here I am, willing to wait. Sabi nga sa kanta ni Juana “I need sometime..for a while before I give my heart away…”

I’m single because I’m full of love. Mahal ako ng Lord, mahal ako ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko.. at ng mga tao sa paligid ko. At hindi ko namamalayan as years passed… single padin pala ang lola mo..

I’m single because I quit playing games with my heart..(with my heart…with my heart…Kinanta mo noh?) Wala na kong panahon sa mga laro-larong yan.. I’m done with it. Ayoko na ng may magiging karelasyon ka then eventually, maghihiwalay din naman pala kayo. Ayoko ng pabebeng relationship. I want my next relationship to last. Hanggang ikasal, hanggang magka.family, yung forever (yes, naniniwala ako sa forever parang si James Reid). I want my next relationship to be pure.. with full of respect..with full of love. At naniniwala ako that he will find me (Yes, siya ang dapat maghanap sakin diba Baby Turon?).. sa perfect timing ng Lord.

Hindi kailangan na may sistema sa pagpili ng mamahalin.. dapat ganito.. dapat ganyan… Hindi rin ako naniniwala sa guidance at listahan kung pasado ba ang lalaking ito sa standards mo.. dahil para sakin, pagdumating na siya sa harap mo.. Yung nilaan ng Diyos para sayo.. mabubura lahat ng standards mo because the Lord made him perfectly suits you.

giphy

Advertisements

3 thoughts on “Bakit Ako Single?”

  1. Maybe kaya single ka pa rin until now kasi busy pa si God sa pagsusulat ng best lovestory for you o kaya naman.. baka hindi pa sya pinapanganak 🙂 Who knows di ba? Kung si Pauleen Luna nga si Vic Sotto ang forever eh. Wait ka lang dadating din yan 🙂 Insert lyrics here* “Wise men say, only fools rush in..” 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s