About

This blog is co-owned and managed by three lovely, caring, and witty young ladies (ahem!) who are still waiting for their prince charming.

The writers aim to share experiences and advices on life, food, and love. How it feels to be in their late 20s and still waiting, patiently waiting for “the one”.

 

myavatar

Code Name: Baby Turon

Age: 28

Hobbies: Wasting time on social media, Netflix and Chill by myself, blogging (echusera) and listening to music from the 90s

Number of Ex-BF: 1

Longest Relationship: 2 months

Rules on Eating: ‘Wag magkakanin kung makiki-fiesta para makarami sa ulam.

What I’m currently praying for: Good health of my family, manalo sa lotto and mahanap na ako ni “The One”. *Yes, sya dapat ang maghanap sakin. Tatamad-tamad lang?

Motto on Love: If it’s meant to be then it will happen.

What I’m looking for in a partner?

Simple lang naman ang gusto ko. Gusto ko yung taong kaya ako patawahin, aalagaan ako for a change and taong di ako iiwan kahit maging kamukha ko pa si Michelin.

**Pero kung makakalusot sana lalaking makakapag-improve ng lahi namin at may stable na trabaho.

pattybumbong

Code Name: Pattybumbong

Age: 30 (Still NBSB)

Number of times na heartbroken: 1 (I guard my heart after that bitter experience. Maybe all too well that I run away kahit intro pa lang)

Past: Work-Bahay-Work, tulog buong weekend kinda girl. Couch Potato. Insecure. May trust issues. Naniniwalang isa siyang prinsesa or female protagonist sa isang fantasy/adventure/love story na matatagpuan (or hinahanap) ng prince charming niya. So I stayed on my little corner and waited… He will come for you, they say. Just wait, love will happen, they say. Punyeta.

Present: Work-Bahay-Work, labas ng weekend minsan kinda girl. Nagcecelebrate ng bisperas ng weekend by staying late sa office to tambay with friends.

Motto: Kilay is life. Work in progress. Currently convincing myself that I deserve to be happy with my double chin and bilbil(s). Hayaan ko na mga kamaganakan ko’t mga kaibigan mag worry about my love life. Tutal mas atat pa sila sa akin.

Naghihintay pa ba ako? Yes and No. Yes kasi ready na ako for you. No, because I am not going to wait in vain for you. I will find you and I will kiss you.

To make it easier na malaman kung siya na talaga, I asked for signs:

1. Mabilis tumakbo. Habulin mo ako… (Picture this: tabing dagat, sand, sunset, bucket of mojos sa finish line. TAKBO!)
2. Titigil ng slight ang mundo. Babagal ang paglalakad ng mga tao sa paligid. May background music.
3. May malalaglag na bagay. Pupulutin namin ng sabay at mauuntog ako sa kanya. Walang dugo, ha. Pa cute na untog lang.
4. May spotlight sa ibabaw ng ulo nia. Hindi yung parang sa mga iaabduct ng extraterrestrial species ha! Parang yung witness na pinipilit paaminin ng mga imbestigador, minus the handcuffs and piring sa mata.
5. Ililibre niya ako ng pizza, mojos and chicken. At dahil may shakey’s supercard siya, may free pizza pa siya na ibibigay sa akin.

myavatar

Code Name: Ms. Bibingkineetan

Age: 27

Hobbies: Singing, Listening to music, taking photos, watching video tutorials of makeup, haircut and DIYs.

Number of Ex-BF: 4

Longest Relationship: 3 months

Success: Success ako sa pangako ko sa Nanay ko na hindi pa ko mag.aasawa before 27 (ayun kahit boyfriend wala..)

Failures: Failure ako sa mga past (real) relationship at (semi-real) relationship dahil wala namang nagtagal.

Facts:
> Takot akong magtiwala : mahirap i.win ang trust ko.. madaming stages.. pagnawrong move ka, game over agad.
> Ayoko ng kabaduyan: NO TO PABEBE (let’s act natural sa harap ng tao.. hindi yung pa.impress, pa.cute, at pagaarte lang ang alam)
> I’m strict with reasons
> I’m “kinda” dominant.. (Nature na ata ng pagiging panganay)
> But I’m fun to be with (tanong niyo pa sa Co. blogger sa itaas)


Beliefs: 

>Naniniwala ako that true love can wait. I believe sa perfect timing ng Lord. Baka yung lalaking para saken ay nag.iipon pa ng panggastos sa bonggang kasal na pangarap ko. Or baka nag.aaral at nagbabasa basa pa siya para maabot niya yung I.Q.requirement ko.

> Naniniwala ako sa sinabi ng Parokya ni Edgar na pag umibig ang isang lalake ay handa itong hamakin ang lahat..Gagawin lahat ng paraan upang makamtan ka at hindi niya kakayin na ikaw ay mawala sa kanya.. (kinanta mo noh?)

> Naniniwala ako na dadating din yung tamang lalaki para saken na sana siya ay may takot sa Diyos, matalino, resposanble, gwapo at mabango.

…Naniniwala din ako na mataas yung standard ko kaya wala akong jowa 😛

Advertisements