Trying Online Dating for the First Time

So ayun na nga. The late bloomers association of Quezon City finally decided to live life to the extreme. And by extreme we mean… online dating. Since lahat kami halos bahay-trabaho-bahay lang ang drama sa buhay, we finally realized that it’s time for us to try the makabagong way of meeting boys.

We decided to try one of those dating apps a couple of months ago. But even before we went on with the plan, matinding research muna ang naganap. We had to find the right app to use dahil hindi naman carry namin ang ala-Tinder na profile pics lang ang basehan. Dalagang Pilipina pa rin naman kami. So we decided that the best app for us is… OK Cupid.


Baby Turon makes chika:

 

When the squad (naks! millennial?!) decided na mag-try ng online dating app medyo na-excite ako. Never pa ako talaga nakatry maki-date so what more ang online dating?! Medyo may reservations din ako kasi nga madalas ko mabasa sa mga newspaper yung mga niloko or pinatay ng mga nakilala online. Jusko! Di ko bet na mamatay ng pagka-aga-aga tapos kapag tinanong pa yung magulang ko kung bakit ako namatay ang isasagot nila, “kasi lumandi”. Pero sabi nga nina Ms. Bibingkeeneetan at Pattybumbong, matanda na kami so dapat once in a while mag-risk din.

So nung na-download ko na ang app at na-create ko na profile ko, nawindang ako sa dami ng lalaking agad na nagla-like sa profile ko. Sheet na malagkit! Feeling ko umabot sa kapitbahay ang haba ng hair ko. Tapos ang dami pang nagme-message at nakikipagkilala so lalong humaba hair ko. Feeling ko pati buhok ko sa ilong at kili-kili humaba.

giphy-1

Ganun pala ang feeling ng magaganda. Ganun pala feeling ng daming nagkakagusto. Sa buong buhay kong puno ng kasawian ngayon lang ako nakaramdam ng kilig. Sa wakas! Hindi ako ang naghabol. Chos!

May mga cute at meron din namang mukhang pinaghahanap ng batas. May mga mukhang matitino din na nakikipagkilala pero syempre andun pa din yung mga walang hiyang bastos ang bunganga. Nung one time may nag-message sakin na kung pwede daw kami mag-tooooot. Naloka ako! Bastos! Walanghiya! Manyak!

giphy

Todo block talaga ako. Si Kuya di man lang ako dinaan sa “hi” o “Do you like Messi?”. Super direct to the point! Mala-El Niño na siguro ang pagkatigang ni Kuya.

Kahit na naloka ako dun sa isang nag-message, tinuloy ko pa din ang paggamit ng app kasi may mga matitino naman akong nakilala. Right now, medyo play girl ang pakiramdam ko kasi marami silang ini-entertain ko. Pero ika nga ng mga showbiz friends ko, “friends lang kami.”


Ms. Bibingkineetan makes chika:

 

Trying online dating is not new to me. Nung bata bata pa ko (nung mga Kinder, charot!), nasubukan ko nang makipagharutan virtually. So when these two ladies challenged me to try, hindi narin naman ako nag.inarte. Though I really think that I’m too old for it.

Anyway, online dating is kinda different sa generation ngayon,ang layo sa kung anong meron dati kaya honestly, medyo na.tanga din ako nung una. Swipe right and swipe left na pala ngayon, if you don’t know how to use it, the application will match you to the persons that you don’t really like.

What I like with OKC is there’s a set of questions that you can answer to filter the persons signed up on it. So makikita mo talaga yung ka-“Match” mo na personality. However, ang downside.. may makikita ka na friend mo that using the same app. And sobrang awkward nun mga te!

giphy

Gusto kong maglaho sa earth. Gusto ko siyang i.block sa facebook friend lists ko sa sobrang hiya. hahaha! Buti nalang our conversation went well.

Nakakaloka din talaga ang mga nagmemessage na united colors of benetton, iba-ibang lahi! Ang daming kalalakihan! May mga gwapo din talaga. Hindi pa pala nauubos ang mga lalaki sa mundo. At infairview, nahahasa ang english ko mga bes, hahaha. Nakaka.enjoy talaga ang feeling na parang pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan.

giphy (1)

Pero, tip lang ha, we have to be careful on giving personal informations kasi hindi naman talaga naten kilala ang mga taong iyon.

Nevertheless, I believe na may mga matitinong tao din sa online dating application that has their personal reason kung bakit sila nag.sign up dun. Kung tatanungin niyo ako kung may nakilala na kong matino and consistent.. the answer is Yes.. meron na. Yung kwento, abangan niyo nalang sa next blog 🙂


Pattybumbong makes chika:

 

Desperate move… sabi ng utak ko. But how else can I put myself out there? Hindi naman ako lumalabas. I spend the weekend at home. Sleeping. So my kakanin code named friends came up with a dare. Download a dating app and start meeting boys.

Kung kaya inipon ko ang lahat ng tapang ko para mag create ng account. Nilibing ko muna sa Maria Clara. It’s time to make a move. And I have to say, the experience was liberating. Kahit sa totoo lang, hanggang online lang ang tapang ko.

giphy

Nakaka-excite nung una. Ilan na kaya mutual likes? Dun mo lang kasi siya makikita kung sino nag like, if you liked each other’s profile. Sa kasamaang palad, hindi nagtagal ang excitement ko. Napalitan ng disappointment. Puro manyak kasi nagmessage sa kin. Yung isa gusto makipag sex eyeball. Yung isa gusto maging teddy bear ko. Jusmio! Mga pinoy yan. The rest ng mga pinoy na nagsend mg message, hindi ko nireplyan dahil mukhang hindi mapagkakatiwalaan.

Dito ko rin narealize na mabenta pala ako sa mga indiano, nasa India man sila or Singapore. May Turkish at African (white) din na nagsend ng message pero hindi ata kinaya ang english ko. Akala ko pa naman maiimpress sila, matatakot pala. Anyway, at least I tried di ba? No harm in trying, ika nga.

giphy (1).gif

 

Relationships Noon VS Relationships Ngayon

They say Love is Love. No matter how advance technology gets, love would still stay the same. Well, that is true but there are things related to love that changes as we grow older and as society develops through the years. For example, the word “Bae” in the 60s may sound like you’re referring to a body of water. But for the millennials, it means jowa, boylet, shota, fafa, or boyfriend. So just how different are relationships noon compared to ngayon?

giphy-13

Baby Turon compares:

Noon– Kapag ang isang lalaki may gusto sa isang babae, papadaanin nya yun either through friends or maglalakas loob na umakyat ng ligaw.

Ngayon– Kapag ang isang lalaki may gusto sa isang babae, i-a-add nya ito sa Facebook at doon mag-me-message.

Noon– Kapag ang babae may gusto sa lalaki, tatahimik lang sya at di magpapahalata. At madalas magpapakipot pa muna bago pumayag magpaligaw.

Ngayon– Kapag ang babae may gusto sa lalaki, i-a-accept nila request nito sa FB sabay message ng, “Do you like Messi?”

Noon– Kapag magkasintahan na ang babae at lalaki, hatid sundo ng lalaki ang babae. Kapag magkataon na hindi nya ito masusundo ay pinapaalam nya ito sa babae.

Ngayon-Kapag magkasintahan na ang babae at lalaki, hatid sundo pa din minsan ng ibang lalaki ang babae. Kapag magkataon na hindi nya ito masusundo, kumukuha sila ng Uber para sa kanya.

Noon– Kapag naghiwalay na ang dalawang tao, asahan mong alam ng mga kapitbahay, kaibigan at kamag-anak nila.

Ngayon– Kapag naghiwalay na ang dalawang tao, asahan mong alam ng mga kapitbahay, kaibigan, kaeskwela, kamag-anak sa pinas, kamag-anak sa ibang bansa, mga taga-ibang baranggay, at mga barkada ng barkada. In short, lahat ng Facebook friends.

images

Ms. Bibingkineetan compares:

Sabi nila, iba na daw ang panahon ngayon. May mga elementary pa lang may boyfriend na.. may mga dalaginding palang ay nag.mamake-up na at may mga teenagers palang ay nabubuntis na.

Dahil ba to sa modernisasyon? Dahil ba ito na ang “In” ngayon? May pinag.iba nga ba?

Eto personal kong opinion ha (kumontra kayo kung bet niyo.. libre comment sa ibaba)

Para sa akin.. walang pinagkaiba ang paghaharot noon at paghaharot ngayon.. eto ang mga dahilan.

Noon palang meron ka na talagang kaklaseng kerengkeng nung Elementary na sa ganung edad ay may boyfriend/girlfriend na..na akala mo kaya na nilang magdala ng pamilya. Ang they think na road to forever na ang pag.iibigang iyon. Yung tipong milk teeth palang ang ipin nila ay naiilove na sila sa isa’t isa. Yung parehas pa sila ng timbre ng boses (parang chipmunks) tapos nagsasabihan na “I love you”. May ganun na sa school.. Diba?

Wag tayong umarte, aminin mo sa Elementary ka unang nagka.crush..dun sa classmate mong cute at makulit na laging amoy Downy yung uniform. Or sa talented na schoolmate mong laging  laging kasali sa program ng eskwela.

Noon pa man din ay uso na ang mga pabebe. Mga nakakainis na tawagan ng magjowa like Bheybhi, Mhine, or Azahwa Koh. At paborito ding idinugdugtong ang number ng monthsary nila like Kuletz14, Mahalkho27, or Bhebhe08. Wag tayong ano! Mas korni pa nga noon kesa ngayon.. tapos bina.vandalize niyo pa noon yung sa tawagan niyo sa desk ng upuan or sa waiting shed ng campus.

Hindi na rin bago ang teenage pregnancy. Kahit nga noong sinaunang panahon pa. Yung lola ko nga 16 yrs old nabuntis.. so noon palang ganyan na talaga.

Kaya naman para sa akin wala naman gaanong ipinag.iba. The main change that happened is todays generation are exposed. Exposed to social media.. everything is posted. So pag nagpopost ka ng kung ano-ano.. everyone can see it..or rather all your social media friends can see it. And you don’t have any control on what they will think.

Ang talagang nagbago ay dumami ang mga judgemental, insecure, at pakielamerong tao sa mundo.

For me, tamang pangaral at gabay lang talaga ang kailangan. There’s nothing wrong to love and to be loved back. Hindi rin pwedeng idikta kung anong taon dapat magmahal.

I guess what you can really control is your mind; to judge if you’re doing right, to think if this is the right time and to decide if you will love the right person.

mind-control-manipulate-your-mind-for-success

Pattybumbong compares:

What better way to discuss the evolution of love than with love notes?

Yung mga love letters written in scented stationery. Minsan nga pati pens scented din eh! Yung mga letters na alam mong kinunsulta pa sa dictionary kasi gusto kang maimpress sa english skills nila. Yung mga heart shaped notes na temporarily nagpa extinct sa red cartolina tuwing Valentine’s day na itinatabi mo pa sa baul.

Ang sarap balikan. Either para pagtawanan ung grammar ng manliligaw mo o sunugin katulad ng sa mga pelikula. Alam mo infairness, nakakatulong nag pagpunit at pagsunog. Parang nagbubura ka ng alaala sa pagpunit ng mga liham niya. Or parang sinunog mo na siya pag sinunog mo ung love letter na galing sa kanya *sinister laugh* mangkukulam lang ang peg?

Naisip ko, meron pa kayang love letters na inilalagay sa baul ang mga youth of today? Sa sobrang dependent ng tao sa social media, ewan ko kung meron pa ring naghahanap ng scented stationery o nagsasayang ng papel sa kakasulat ng draft for a perfect love letter. Yung mga nag eeffort dumaan sa post office para ipadala ang liham with matching laway pa sa envelope kung hindi pa ready ang wet sponge sa post office.

Halos lahat digitalized na eh. Pag niloko ka ni Mr. Pa fall, iunfriend mo lang siya, block or unfollow lang. Puedeng i-archive or burahin na completely lahat ng conversation niyo. No need for baul na rin kasi puedeng naka store lang sa facebook, viber etc lahat ng proof of your paglalandian. Downside lang eh, madaling balikan lahat ng katangahan mo kasi pati mga response mo sa kanya, mababasa mo. Oo teh, minsan kang naging T-A-N-G-A.

But that’s okay. Lahat naman. Sino bang hindi naging tanga sa love? Kahit gaano pa ka digitalized ang mundo, meron at meron pa ring willing magpaloko at magpaka tanga.

giphy-14

How Singles Celebrate Valentines Day

Yes, it is that time of the year where chocolates and flowers are so in demand. That time of the year where it takes a miracle to get a last minute reservation at a good restaurant. Yup, I am talking about Halloween… este, Valentines Day pala.

A day celebrated by every couple around the world. But on that day, di naman nilalamon ng lupa bigla ang mga single. So, how do we singles celebrate Valentines Day?

giphy-1


 

Baby Turon says:

Okay, let me tell you now that those movies that showed you that singles eat chocolates in bed and crying all day during Valentines Day IS NOT TRUE.

So how do I celebrate Valentines Day? Sa bahay lang.

Bitter and lonely_0.jpg

We know how crazy it is specially ang mga restaurants during that day so most of the time, after work ay uwi na ako agad. I always remind myself that the more gala you make on Valentines Day, the more bitter you become.

Umiiwas din ako sa social media for the next 24 to 48 hours para di ko makita ang mga magpopost ng, “awww. This is the best Valentines gift ever!”

O kaya yung mga, “To more Valentines Day celebration, Babe.”

O di naman kaya eh, “I ❤ ü BhAebEe! HaP! Valentimes dAy! #BhAeBeeR0aD24ever”

Kesa naman magtanim ako ng maraming ampalaya, mas pinipili ko talagang umiwas na lang sa lahat ng magpapaalala na wala akong ka-date sa araw na yun. Dinedeadma ko lang lahat ng greetings na nakapaskil as if ordinary day lang ang February 14. Bigla-bigla din ako nagkaka-amnesia. Bigla kong nalilimutan kung anong date na or kung ano mga kaganapan. At kapag matagal ka nang single, magiging madali na lang saiyo yun.

Valentines Day? Sorry, busy ako! Bye!

giphy (2).gif


 

Pattybumbong says:

WHAT PEOPLE THINK I DO ON VALENTINES DAY: Days before Valentines day, umoorder na ako ng 5 kilong ampalaya. Ginagawa kong smoothie without any sweetener. Pure ampalaya. Tapos nagtatayo ako ng booth sa public places na alam kong dudugin ng mga couple. Tapos pinamimigay ko yung ampalaya smoothie na gawa ko. I leave a simple love note that says – ‘Feel my wrath!’. A few years ago ang nilagay ko naman ‘Maghihiwalay din kayo’, ‘Walang Forever mga &$:&:@/@! niyo!’

giphy (6).gif

Tapos nagpprepare ako ng dinner for two. Tapos kakainin ko lahat ng niluto ko because I have no one to share it with. Meaning: Wala akong kaagaw!

WHAT I REALLY DO: In all honesty, di naman talaga ako bitter tuwing Valentines day. Bitter ako halos araw araw sa mga couples na OA sa pagka PDA. NOTE HA. Yung OA lang. Yung mga couples nagbe baby talk habang nasa UV express. Yung mga punyetang makapag post ng picture nila ni Dhaddhie, Beybhie ko. Puro hangin! Isipin mo, ganyan sila on normal days, pano pa kaya pag Valentines day?

Bitterness aside, masaya naman ang Valentines day eh. I still get heart candies from my mom kahit ganito na ako katanda. I used to make heart shaped cards too. Binabati ko lahat ng close friends ko and I enjoy Valentines day promos! Actually, I think that’s the best part of of Feb! Heart shaped donuts, limited edition drinks and sweets at mga buy 1 get 2 stuff. I buy 1 and I get 2! All for me.

giphy (10).gif

You see, it isn’t too sad being single on Valentines day.

Not ‘Too’ sad, kasi of all the fun stuff I mentioned above. The little sad part is that Valentines day would always remind me of the day that someone broke my heart. My someone. At hindi ko alam kung ilang Valentines day pa ang hihintayin ko for ‘the someone’ who would make all this waiting worth it.

waiting-for-someone-you-love-is-never-easy_thumb


 

Ms. Bibingkineetan says:

…I will give you my heart until the end of time
You’re all I need my love, my valentine…

Bentang benta na naman ang classic song na ito ni kumareng Martina Mcbride bilang Valentines day na naman. Bukod sa traffic ng araw na eto (ewan ko ba kung bakit) ay tiba tiba na naman ang mga tindera sa Dangwa sa dami ng bumibili ng bulaklak. Nagkalat din ang mga buhok sa kalsada ng mga babaing may dalang bouquet of  flowers galing sa mga jowa nila (Edi kayo na!). At syempre ang walang humpay na pagtugtog ng mga romantic songs sa kung saan saan na para bang pinagduduldulan ng mundo na Valentines Day ngayon at nag.iisa ka.

giphy (7).gif

Honestly, never pa ko nakipag-exclusively date ng Valentines Day. I find it baduy na nakikipagsabayan ka sa maraming couples sa restaurant or park or malls..tapos nag-HHWW (holding hands while walking) with flowers and stuff toy na nabili sa Blue Magic, tapos didiretso sa foodcourt (Naubos na kasi budget ni guy sa regalo).

Ewan ko ba sa mga pinoy na parang pasko ang Valentines na kailangan sini-celebrate. Kulang nalang gawin holiday ito.

So ano nga ba ang gagawin ng mga single sa Valentines Day?

giphy (12).gif

  1. Eat – madaming promo pag Valentines.. treat for two, buy one take one, couples promo.. take advantage of those kemerut.
  2. Pray – magdasal ka na mabilis lang sana ang araw na ito para matapos na ang pagdurusa.. Charot! Thank the Lord na kahit single ka..you are not alone.. wag masyadong emotera te, hindi lang sa jowa nakakakuha ng pagmamahal.
  3. Love – Hindi naman kailangan Valentines day para  iparamdam sa mahal mo na special siya. It should be everyday, make it a habit. Pero salamat padin sa araw na iyon because it reminds us that we need love and we have to love. Edi sabayan mo nalang din.

Hayaan mo na.. matatapos din naman ang araw na yun na hindi mo namamalayan. Pero bago matapos ang araw, manalangin ka na magka.jowa ka na para hindi ka na ulit ganito next Valentines.

young-woman-crossing-fingers-hoping-best-attractive-isolated-white-background-33169748